2.02.2014

Hindi ko pa naman iniwan ang blog na ito. Naging abala lang ako sa aking pag-aaral. At sabihin nating nagpapakaplastic pa kaming dalawa.

Kunwari masaya kami sa isa't isa kahit alam naming malabo na ibalik ang dati naming samahan. Marami na din kasing nangyari. May mga bagay kasi siyang ginawa noon na hindi niya sinasabi sa akin. So ano pa ang trust? Matagal na din pala kaming nagkakasama sa kasinungalingan.

Kung sabagay, ako lang naman tong umaasa. Akala ko kasi girlfriend ako kahit hindi. Kaibigan lang. Hanggang dun nalang yata. Pakikipaglandian lang ang relasyon namin. Alam ko naman na panakip lang niya ako hangga't di siya nakakahanap ng lalandian na naman niya o liligawan niya. Totoo naman, puro landian at gamitan lang.

Andami dami kong bagay na nalaman. Actually we're flirting for about 2 years and 2 months. Ang alam ko, mahal daw niya ako at sabi niya ako lang. Ako lang kausap, katext at kachat niya. Ako lang nilalandi niya. Pero, nung nag-exchange passwords kami, ayun na, dun ko na nakita mga kasinungalingan niya. 1024 unread messages, and one read message na nasa 17th page yata ng inbox niya. Tang'na. Galing sa ex niya. Puta. Hindi pala, dun sa ex niligawan niya na malaki ang boobs. So, ako lang pala ah. Bawal magselos since naglalandian lang nga kami.

Nalaman ko din na kapag bored siya sa akin, may iba siyang katext. Mga iba niyang kalandian at ang kanyang ex niligawan. Kaya pala memorize niya yung number eh. Di niya sinisave para di ko makita. Hahaha. Ansaya putang ina.

Tapos one time, nakita ko siya, ayun lumalandi dun sa ex niligawan niya. Ayiiieeee, naglalaro yung ex niligawan, at siya naman nakatayo at nakahand support dun sa ex niligawan. Sobrang saya. Lalo na caught in the act nga.

Nung nagkareunion sila ng mga classmates niya dati, ansabi niya sa akin di siya pupunta kasi daw boring daw mga ganun. Pero nung huli nalaman ko na pumunta siya para siguro makita niya first love niya. Edi magkita sila, magsex pa sila, mga jejemon!

Lahat ng mga yun di man niya sinasabi at biglaan ko nalang nalaman. Kung sabagay sino ba ako para sabihin niya sa akin lahat ng mga yun? Flirtmate lang ako eh.

At hanggang ngayon ganun pa din, walang development. Nakakasawa. Akala ko kasi nung nag-aminan kami na mahal namin isa't isa ay magiging exciting everyday. Mali pala. Ok lang, haha.
Written @ 7:59 PM | back to top





Profile
Ako ay isang malungkot na prinsesa.
Memories
June 2013
February 2014
Credits
Designer: Candygirl2
Materials: various jap site
Color codes: mssockpuppet
Fonts: dafonts
Image: cyworld