2.02.2014
Bakit Princess? Bakit nga ba Princess ang tinatawag ko sa sarili ko? Siguro, nais kong ituring akong prinsesa. Yung bang mas gugustuhin niyang hintayin na ikasal kayo kaysa magsex agad. Yung bang hinding hindi ka niya paghihintayin at pagseselosin. At yung bang may tiwala ka sa kanya na ikaw lang... Hai.
Hindi ko pa naman iniwan ang blog na ito. Naging abala lang ako sa aking pag-aaral. At sabihin nating nagpapakaplastic pa kaming dalawa.
Kunwari masaya kami sa isa't isa kahit alam naming malabo na ibalik ang dati naming samahan. Marami na din kasing nangyari. May mga bagay kasi siyang ginawa noon na hindi niya sinasabi sa akin. So ano pa ang trust? Matagal na din pala kaming nagkakasama sa kasinungalingan.
Kung sabagay, ako lang naman tong umaasa. Akala ko kasi girlfriend ako kahit hindi. Kaibigan lang. Hanggang dun nalang yata. Pakikipaglandian lang ang relasyon namin. Alam ko naman na panakip lang niya ako hangga't di siya nakakahanap ng lalandian na naman niya o liligawan niya. Totoo naman, puro landian at gamitan lang.
Andami dami kong bagay na nalaman. Actually we're flirting for about 2 years and 2 months. Ang alam ko, mahal daw niya ako at sabi niya ako lang. Ako lang kausap, katext at kachat niya. Ako lang nilalandi niya. Pero, nung nag-exchange passwords kami, ayun na, dun ko na nakita mga kasinungalingan niya. 1024 unread messages, and one read message na nasa 17th page yata ng inbox niya. Tang'na. Galing sa ex niya. Puta. Hindi pala, dun sa ex niligawan niya na malaki ang boobs. So, ako lang pala ah. Bawal magselos since naglalandian lang nga kami.
Nalaman ko din na kapag bored siya sa akin, may iba siyang katext. Mga iba niyang kalandian at ang kanyang ex niligawan. Kaya pala memorize niya yung number eh. Di niya sinisave para di ko makita. Hahaha. Ansaya putang ina.
Tapos one time, nakita ko siya, ayun lumalandi dun sa ex niligawan niya. Ayiiieeee, naglalaro yung ex niligawan, at siya naman nakatayo at nakahand support dun sa ex niligawan. Sobrang saya. Lalo na caught in the act nga.
Nung nagkareunion sila ng mga classmates niya dati, ansabi niya sa akin di siya pupunta kasi daw boring daw mga ganun. Pero nung huli nalaman ko na pumunta siya para siguro makita niya first love niya. Edi magkita sila, magsex pa sila, mga jejemon!
Lahat ng mga yun di man niya sinasabi at biglaan ko nalang nalaman. Kung sabagay sino ba ako para sabihin niya sa akin lahat ng mga yun? Flirtmate lang ako eh.
At hanggang ngayon ganun pa din, walang development. Nakakasawa. Akala ko kasi nung nag-aminan kami na mahal namin isa't isa ay magiging exciting everyday. Mali pala. Ok lang, haha.
6.18.2013
Anhirap maghintay ng isang bagay na hindi na darating pa. I still found myself patiently waiting for his message. Bakit kaya di niya ako tinetext? Normally kasi siya una ngatetext lagi, at mapride ako kaya ayaw ko siyang itext.Ang mga lalaki kasi pag alam nilang hawak ka na nila sa leeg, paglalaruan ka nalang nila at gagamitin. Ayaw kong mangyari sa akin yun.
Pero ano nga ba ang tunay na rason? Oo inunfriend ko siya sa fb nung Sunday. Yet, di niya ako inadd ulit. </3 Hahaha. At talagang di nagtetext. Bakit kaya talaga? Ah siguro...
- Walang load for a week (imposible, kasi dati katext ko siya araw-araw)
- Nasira ang phone (edi sana minessage niya ako sa fb nung di ko pa siya dinelete)
- Walang signal (pero may internet naman sila eh)
- Naaksidente or what?? (God, please protect him)
- Busy siya (so that means pampalipas oras lang talaga ako)
- O baka nauntog na siya at narealize niya na di naman talaga niya ako mahal at nakakita ng sexy, maganda, walang pimples, matangkad, matalino, mayamang babae. (tang'na, kabaligtaran ko lahat yun ah)
I know God will protect him naman. Yung last two choices lang naman ang pinakapossible na sagot eh. Hahaha, kung ganun na nga, then let it be. Sasaya siya sa ganun eh. Diba kung lalaki ka, yun naman talaga ang pipiliin mo? Yung sexy, malaki ang boobs at maputi, makinis at maganda at perpekto. Alam ko naman yun. Asa pa ako. At fyi, Princess, di ka niya gf at di ka niya nililigawan. Di rin siya nagtanong kung pwede kang liagawan. Alam mo na ibig sabihin nun, okay?
I'm not yet ready. Anhirap. First love eh, kaya hirap kalimutan. But I believe first love dies. Konti-konti lang. One at a time sabi nga nung nabasa ko. At wag iforce ang sarili makalimot. As time goes by, unti-unting mawawala ang kirot at unti-unti rin makakalimot.
6.17.2013
Bago ko ipahayag ang aking drama, nais ko munang magpakilala. Ako ay isang teenager. Babae ako. Itago natin ang aking tunay na pagkatao sa pangalang Princess. Ito ang aking pangalawang blog. Yung isa kong blog ay secret nalang. English kasi yun kaya gumawa ako ng tagalog blog na puro text lang ang nakalagay. Puro drama at sakit na nararamdaman. Mas gusto kong isulat kaysa sabihin sa iba, wala naman kasi akong pagsasabihan. Kaya salamat sa blogger/blogspot.com.
Nakakainis isipin na ang taong minsan mong minahal ay hindi tinupad lahat ng kanyang mga pangako at mga sinabi. Sinabi niya "di ako susuko". Sabi niya, "forever". Pero wala naman siyang ginagawang effort. Aaaminin ko, malaki ang kasalanan ko kung bakit di na niya ako tintext ngayon. Mapride kasi akong tao. Moody. At unpredictable. Kung kanina sweet ako maya-maya bitter ako. Minsan gusto ko sweet ka sakin and caring pero may mga panahong naiinis ako kapag sweet ang isang tao sa kin.
Siguro nagsawa na siya sa akin. Sa ugali ko. Sa pagiging moody at mapride ko. Sa pagsumbat ko tungkol sa ngawa niyang kasalanan noon. Akala ko kasi ang pagpapatawad ang magandang gawin sa ginawa niyang iyon. Ngunit nahirapan lang ako. Alam mo yun? Yung di mo na ulit siyang kayang pagkatiwalaan ulit? Nakaramdam ako na lagi siyang may ibang kachat/text/email/tweet/kasama... Anhirap. Sabi nga nila "You can't trust the person you love but you can love the person you trust."
Love and trust go hand in hand. Let's say, mag-asawa sila. Pag walang trust parang wala na ring love diba? Ganun ang nangyari sa amin. Nakakawalang gana kasing mag-mahal lalo na kung puro doubts nalang. Lalo na hindi naman kami at wala kaming relasyon. Ang alam lang namin ay mahal namin ang isa't isa. Pero...
Nagdaan ang mga buwan at nag-iba na ang pagmamahal. Pabawas ng pabawas. Kung dati, lagi siyang may surprises, ngayon kapag may occasion nalang dun may surprise. Kung dati inaabot kami ng alas-tres ng madaling araw sa pagtetext nagyon hanggang 9:30 nalang ng gabi. Minsan sobrang ikli at walang kwenta pa ng mga pinag-uusapan namin.
Hanggang dumating ang gabing iyon. Pagod siya kasi first week niya as a college student and nagwowork pa siya as student tutor. 1st year college din ako. Kaya ako di naman ganun kapagod, pwede ako magpuyat since walang pasok kinabukasan. Independence Day kasi. We were texting that night, around 9:20 tinanong niya ano ginagawa ako, di ko sinagot ang tanong niya kasi naramdaman kong antok na siya. Bakit? Kasi nagreply siya pagkatapos ng 7 minutes. Eh usually nagrereply siya after 2-3 minutes. So sabi ko matulog na siya at pagod siya. At yun, parang nagalit siya. He replied na matutulog na siya, at parang bad mood ako. Mag-ingat daw ako at mag-enjoy. Nakakapikon! Eh totoo namang antok na siya. Lagi naman siyang inaantok pag magkausap kami eh. Punyemas, eh parang pampalipas oras lang ako ng gago na yun eh. So nireplayan ko siya na hindi ako bad mood, nagpaliwanag ako na baka pagod siya kaya ganun. And boom, di na siya nagreply. At di na nagtext magsimula nung gabing yun. To be exact 6 days na ang nakakalipas.
Siguro nga sawa na siya. Kahit sinabi niyang wag kaming mawawalang ng communication, wala na eh. Ako namang mapride ayaw siyang itext kasi ineexpect ko na siya ang mauuna. Na siya ang maglilead. Pero wala, I waited last night until 11pm, since Sunday nalang ang possible day namin mag-usap dahil sobrang magkaiba ng schedules namin. I received nothing. I thought he will keep his word about the communication...
Pero ayos lang yun no. Matagal ko ng dinelete cp number niya, binura ko na mga pictures namin. Dinilete ko na siya sa fb ko. Ang twitter ko dinelete ko na din. I'm trying to forget him already since wala na ding patutunguhan kung ano man meron kami. At wala akong karapatang makaramdam ng ganito, di naman kami eh. At baka rebound lang talaga ako, o kaya pampalipas oras.
Ganun talaga, ansaya nga eh, malungkot at bored lang talaga siya nung sinabi niyang mahal niya ako. Ako namang uto-uto kumagat sa kanya. Ang tanga naman ate.
#reboundlangako #dinaniyaakotinetext #fallingoutoflove #sawanasiyassakin #pampalipasorasako